"EVERYTHING IN LIFE IS A CHOICE."
And I don't know why I find it so hard to follow my own advice.
===
Haay.
Hindi ko alam, pero deep inside nahihirapan talaga ako.
Parang...
May dalawang taong nagtatalo sa loob. Si Denial at si In Love..
Ang hirap talaga.
Hindi ko alam kung dapat ba kitang sisihin kasi.. kasi.. ganyan na ang buhay mo ngayon at parang hindi mo na, ever, hawak yung telepono mo, o kung dapat bang sisihin ko ang sarili ko dahil sa masyado akong.. naghahanap? nageexpect?
Dapat bang hindi nalang talaga akong sumubok pa at manatili nalang sa pagtingin sa aking mga paa habang naglalakad?
Kasi parang napapagod nakong mainis, pero kung hindi naman ako mabanas at makaramdam na lamang ng wala akong paki, eh para namang, isinangtabi ko ang mga nararamdaman ko..
Pucha. Yun kasi yung problema eh, yung nararamdaman ko.
Ba't ba hindi ako pwdeng matulad sa'yo. Kaya mong.. maging ganyan. Kaya mong... matiis ako? Ewan. Nagaassume lang ako.
At... minsan, naiisip kong 'wag ka nalang kausapin at tanungin kasi nararamdaman kong mahirap na magbago pa.
Ay shet. Yun pa pala. Kasi umaasa pa'kong magbabago.
Na magbabago ka, at babalik sa dati.
PUCHA. Yun yun eh.
One, yung nararamdaman ko. Which leads to number..
Two, dahil sa umaasa pa'ko.
WOOHOO.
Ang laki kong hopeless romantic.
Putik. Isa na'kong Ivan.
Ivan, hindi tayo magkaiba. PAREHO LANG TAYO.
Tuloy parin sa pagumpog ng ulo sa pader. Patuloy na naghahanap ng kahit anong tamis sa bawat mapait na pagtama ng malamig na semento sa ulong ayaw maniwalang mas masarap ang hindi nakakaramdam ng hapis.
Which brings me back to... I don't know why I find it so hard to follow my own advice.
EDIT:
-Sa tingin ko ay.. nagooverreact lang ako.
"I told you so."
WOOHOO.
ayusin mo na buhay mo, kyla.
===

DINNER AT PEPATCO.



WITH AIKO. WOOHOO. WE SAW HER! :)


NAPAGOD SI DIANNE. dahil sa sushi :|






'Cause I'm vain this way :))
===
PUCHA.
POVERTY SUCKS.
Diba Donna? :))
Ahahaha. Shet.

