FRIDAYPhysics defense went very well. It went better that I expected it to go. The class and Ma'am SARJ failed to ask us questions that I totally expected them to. Good thing, those questions that they did ask us were included in those simple questions that I have so carefully thought about and have already answered in my head.
The party thereafter was the most exciting part of our last Physics class. There were so many food brought by each and every one of us and man did Ma'am SARJ bring a backpack-full of drinks. We were laughing so hard at how unexpected that came to be :))
Sir Q joined us later on in the class "party". It was nice to see him again, given our history (naks. may history kami ni sir Q. haha.) There was pansit, kakanin, cake, PIZZA, ice cream, a lot of soda, etc. Basta ang daming pagkain. The room was a lot less clean when we left it (sorry kuya janitor. haha.)
Another thing that went totally well last friday was my
IP 141 3rd examination. After the Physics class party, we went straight to the Main Lib to study. The coverage was so damn long and to top it all off, after eating so much food, we were all just so sleepy. (the "we" = us, the rebels.) Sleepiness + Loooong exam coverage = Disaster
Haay. Well, even if I felt extremely sleepy while studying in the Main Lib, I felt glad that I already studied for the exam in advanced, like nung last sat pa, actually. And I only needed to go through the whole manual again so as to refresh my memory. There were still a lot of things that I wasn't able to memorize but all in all, I think I did good in that exam. It's my first time to actually study (in super advance) for an exam in college, haha. Hello to the irresponsible me. :)) I felt so good about that exam that I actually finished it earlier than I expected to.
You should know that
I was totally hyper minutes before the said exam. I don't know what got into me and Js, but we were just laughing at the simplest things. "
Sino ang tunay na baliiiiiiiiiw?" Man. I laughed so hard then that it came to point that I just had to stop and breath for few seconds to catch my breath. Man, that was fun :))
And then, well, after that exam, I went straight to
PL's debut at the Glass Garden.
I am super in love with her brothers, Luigi and Lorenzo. They are both EXTREMEMLY cute (plus points: they are also very GOOD boys. haha.)
Luigi even asked me "Wait. Are you driving?" before I left. He knew that I drank a few shots and I think, he was a natural gentleman so he asked me that :))
Haaay. In general, my friday was a blast.
The other side of the whole story, well, only Js and Gnle know what really happened. And I'd rather not tell the whole internet world about it :))
SATURDAYGrabe yung sabado ko. Bukod pa sa concert ni Timbaland (panget) at ni Justin Timberlake (gwapo) ay SOBRANG SUMAKIT PAA KO. As in, hindi ko siya matiis. Ang nipis kasi nung suot kong sapatos :| Hindi ko naisipang baka ganun nga ang mangyari sa'kin.
Anyways. Ikekwento ko na sa'yo yung nangyari sa sabado ko.
8-10 am,
Physics exam: Hmm. Inantok ako, so, babagsak nako? Haha :)) Next topic!
After ng nasabing exam, nagpunta kami ni Js sa Rob kasi nagugutom nako at kelangan kong malagyan ng pagkain tiyan ko kasi secret.
Kumain kami sa KidoManga, uber favorite kainan ko sa rob :)
Ang tagal naming nagBond ni Js, halos hanggang 2.45pm kami magkasama. Kumain kami sa KidoManga, nagkwentuhan at nagtawanan ng bongga at siyempre,
NAGPUNTA NG COSPLAY :)) Apparently, may nagaganap palang cosplay sa rob nung araw na yun.
Sobrang nakakatuwa pala pumunta sa cosplay kasi ang career nung mga costume nung mga cosplayers. Ramdam na ramdam nila yung mga characters na pinoportray nila. Kahit halos 90% ng mga anime dun hindi ko kilala, okay narin, kasi atleast hindi ko makukumpara kung okay ba yung costume nila o hindi dun sa totoong anime. Ahahaha. May Son Goku nga dun eh :)) Ang cute nung fake niyang buhok! At may babae pala dun na kawawa dahil pinagnanasahan at pinagtatawanan siya ng mga lalaki :(
Ay siyempre, may mga anime merchandise dun, kaya naman naisipan ko na, in the future, dapat magkaron ako ng mga CD nitong mga anime na 'to:
Knight Hunter
Lupin the III
Cardcaptor Sakura
Shin Chan
Judy Abbot
Meron din palang hindi magandang nangyari dun sa rob.
"
You look familiar! TagaUP ka diba?"
Hindi ko na ikekwento, kinikilabutan pako eh.
ANYWAYS. So pagkatapos ng cosplay, I. Mga 3pm yun. Nakipagkita ako kela
Ate Jnl, Ate Lvlyn at Kebs :) I, masarap pero sobrang naumay kami. Pero masarap at sulit naman pala dun. Pagkatapos ay
kumain kami sa White Hat. Halos nilibre kami ni Ate Jnl sa lahat. Yaman na oh! May trabaho lang eh. Ahahaha.
Nung mga 7pm na, pumasok na kami dun sa concert grounds. AT WALANG HIYA,
hanggang 9.30pm kami pinaghintay :| Earth hour kasi. Hindi sila makapagsimula na walang kuryente... Eh diba ang Earth hour ay simula ng 8.30pm hanggang 9.30pm :| Tagal din ng hinintay namin ah.
Front act nila ay yung
O.N.E., sila yung kumanta nung Mainit, basta yun na yun. Yung buong concert ay isang parang malakihang listening party ng mga kanta o beats na ginawa ni
Timbaland. Hindi ko talaga siya type kaya medyo torture para sa'kin ang maghintay para kay
Papa JT, nun pang SOBRANG sakit na talaga ng paa ko at mahirap na ang tumayo ng matagal. Pero in fairness kay Timbaland ha, maganda mga beat niya.
Feel na feel niyang gusto namin siya, pero please lang Timbaland, napuno mo ang concert grounds dahil kasama mo si Justin Timberlake (at sige na nga, si Jojo rin). 11pm na lumabas si Papa JT :) Natapos yung concert ng saktong 12am. At siyempre, nung 12am na, last song na ni Papa JT at kasabayan ng pagkanta niya ng Sexy Back ay nagkaron ng fireworks display. Ang ganda. Parang ang astig lang nung moment na yun. Sakto kasi sa intro ni Papa JT ng Sexy Back, biglang may nagputukan sa may likuran namin, fireworks na pala yun.
Lovestoned
My Love
What Goes Around... Comes Around
End of Time
Cry Me A River (SUPER IBANG VERSION, NA UBER GANDA RIN)
Sexy Back
Madami-dami ring kinanta si Papa JT nung gabing yun. Pagkaalis niya ng stage, umalis na lahat ng tao. At naiwang nagsasalita magisa si Timbaland sa stage :))
Si
Jojo pala ay may bagong kanta kasama si Timabaland kaya siya kasama dun sa concert. 2 kanta lang siya. Yung bago niyang kanta, tsaka yung old song niyang Too Little Too Late.
Ate Janel (on Facebook): "and so the fat king asked: "are you true TIMBALAND fans??" sigaw ng madla: "TIMBERLAKE fans!!!!!" ...toink!!!"
Benta lang :))TODAY, SUNDAYPilot episode ng Party Pilipinas (PP) kanina. At sa kabuoan ay tingin ko naman ay mas
gumanda na ang production numbers na ginawa nila lalo na kung ikukumpara sa SOP. Sobrang natutuwa ako at nawala na ang pagiging "perya style" ng afternoon concert party na gawa ng GMA. Natututo narin silang mag-package ng mga artists nila. May kulang pa ng onti sa lighting (sana mas dramatic) at may onting kakulangan sa maayos na sound system, pero okay na rin. All in all, I think they're on the right track towards finally leveling with ASAP. Am I just so proud :)
At, siyempre,
saksakan na naman ng kagandahan si Regine kanina. Halos puro black ang suot niyang mga damit (anong meron? haha.) pero gumagrabe sa pagka-fresh na fresh si Ibon kanina. Hindi ko makayanan ang kagandahan niya. Ahahaha. Lalo na yung suot niya dun sa
"It's My Life" performance niya. HOTNESS lang ng sobra yung amazing design sa likod niya! NICE SHOES DIN. AMP. I wanna see that again. Ang tagal pa ng pag-upload ng mga tao sa Youtube eh. Makikita niyo rin ang sinasabi kong damit kapag nakapag-screen cap nako, as usual.
Ay nga pala. Alam niyo ba, hindi ko nakita yung opening kanina. Ang tanga tanga ko lang. Nagalarm pako para magising ng 11.30am, pero walang nangyari. AMP. :| Buti nalang at meron nang nakaUpload nung opening portion ng PP sa youtube. Napanood ko na. :) Ang ganda nung theme song ng PP, at napasayaw na naman si Regine kanina. Ang ganda, ganda niya. Nakashorts lang siya. Buti pa siya, pumapayat na :))
Haay. Sa tuesday ay magkakaron sila ng taping ng
2nd episode nila sa Araneta. Yes, sa Araneta nila gagawin ang kanilang holy week presentation. LIBRE lang yung event at gusto ko sana manood kaso, pano ako makakuha ng ticket, eh sabi nila mamimigay sila bukas sa GMA center ng 10am-3pm. May exam ako ng 1-3pm unless itake ko siya ng 8am. Kaya ngayon, kelangang makapagexam nako ng 8am at makakuha ng ticket sa GMA center at pumunta (kahit baka magisa lang ako) sa
Araneta on Tuesday.
Haaay. Btw, hindi lang pala opening ng PP ang namiss. May 2 episodes ako ng Diva na hindi napanood. Sadly kasi nung thursday kasi nagdinner ako with L, A, J and M kasi birthday ni L at nung friday night naman debut ni PL. Pero okay lang, I had fun on both nights at pinapanood ko na ngayon sa Youtube yung mga namiss ko episodes. Buti nga at kumpleto yung andun eh :)
DIVA MOMENTS: March 25, 2010
Scene1Sam: Parang gusto ko nalang magpakamatay
Barang: Ek kung batukan kaya kita dyan? Anong magpakamatay yang sinasabi mo? Alam mo ba, malaking kasalanan sa Diyos yang iniisip mo, at 'wag na 'wag mong gagawin yun, mga duwag lang ang nagiisip ng ganyan noh! Bakit, duwag na ba ka?
Sam: Hindi, pangit lang.
Scene2Barang: Meron pa po ba kayong kahilingan, senorita Fernandez? Baka naman may gusto pa kayong hilingin, mga kondisyon?
Sam: Hindi, okay na yun.
Barang: I love that. Ganito na lang. Papangalanan kitang "Sampaguita Fernandez: Ang babaeng napakasarap pakinggan, ngunit, nakakatakot tignan"
Sam: I hate you.
Barang: You hate me? Gusto mo ng booking diba? Mawawalan ka ng booking!
Sam: Joke lang.
Bagay na bagay talaga sila ni Barang magkasama :) At ibang klase rin talaga magdeliver ng linya si Regine, ano?
I love you, Sam! 'Wag ka muna maging Melody, please!

Sobrang nakakaiyak yung episode nung friday. Eto yung controversial scene ni Sam kung saan ay kinakanta niya yung Smile habang umiiyak. Haay. Napanood ko nga sa Youtube at totoo naman talagang magaling si Regine umiyak. Namaster na niya ang pagiyak habang kumakanta ng makabagbagdamdaming kanta. Magaling talaga si Regine sa drama eh, hindi ko alam kung bakit hindi niya iShowcase yung talent niya sa pagarte.

Yung scene na yun ay puno talaga ng emosyon at totoo namang talagang mararamdaman mo kung gano nasaktan si Sam. Nakakalungkot.
Dapat talaga laging magDrama si Regine. Magaling siya eh. SUPER. Even Sharon is amazed by her :)
Comments from the audience from different forums, natuwa lang ako :)
From PEX (Mark Anthony Fernandez' forum: purplegenie198 wrote:
Smile though your heart is aching.. sniff...sniff..My heart crashed to the floor. Sam's best moment. I think Reg's performance here is worthy of a best actress trophy... wanna bet?
dork_88 wrote:
Ang galing ni Regine mag drama. Eto ang sinasabi ni sis etxetera na kayang gawin ni Regine pero ayaw lang nya gawin. Sana she would consider doing a heavy drama teleserye in Gma.
1tym wrote:
:handsdown: napaiyak kami ni Regine
sa pagkanta niya ang Smile though
your heart is breaking.
Carnation wrote:
What can i say? super galing ni Regine kanina. Mahirap umakting ng lumuluha habang kumakanta ha? Only isang Regine Velasquez ang makakagawa ng isang eksenang yan. *okay*
bisdak_ko wrote:
Grabe si Regine ang galing talaga niya umarte bilis niya umiyak.
Chasty10 wrote:
May best actress award na ba si Regine for a tv soap? I think she deserves another kung meron na, sa portrayal niya kay Sampaguita. *okay* She really relates with the character and she really feels her pain. Lahat naman siguro ng babae may "Sampaguita" complex but with Regine you can really tell she has experienced what the character is going through. Ayoko pa siyang gumanda. Im sure magsusulatan si Sam at Gary parang pen pal, so the viewers will be convinced na hindi lang porket gumanda si Sam kaya siya ma iinlove.
From Diva forum: off_limits888 wrote:
nakakaiyak yung episode kagabi nag water water ang mga eyesights ko haha (lady mode hakhakhak). the height na yun na ang isang ina ay itatanggi ang anak (grabeng nanay naman ang gagawa nun) sobrang sakit sa bangs. pang best actresss in an ugly role ang acting ni Sam ha, cry cry habang sing sing. taray!
dyake wrote:
musta naman ang epi ngayon chubrang nakakaiyak. ilang beses na ko pinapaiyak at pinapatawa ng show na to... malamang bago matapos ang DIVA lukring na ko
dyake wrote:
honga kumpletong kumpleto *okay*.....ang lakas din ng trip sa kadramahan at kalokohan...........di pa ko tapos mag emote me kasunod agad na nakakatawa....sirain daw ba ulo ko. kita kitz na lang po tayo sa mental.
Kiko Travel wrote:
I must congratulate the producer and the scriptwriters of this show...well done...they had moved beyond the usual typical teleseryes...sana lahat ganito..hindi yung ma predict muna yung ending....or yung next episode....saka mabilis ang phasing....keep it up..GMA...also regine...good acting again...bilib ako sayo
PS: Punta palang Amanpulo si Regine and Ogie para dun na magHolyweek :) I'm so excited for them. Alis sila agad pagkatapos magTape ng Party Pilipinas sa tuesday...