Major topics:
Party Pilipinas Experience in Araneta
Anawangin
PP in AranetaLunes nung nakaraang linggo (Mar29), may exam ako ng 1-3pm. Namimigay ng ticket para sa PP taping sa Araneta dun sa may parking lot ng GMA Center simula pa nung 10am ng araw na yun hanggang 3pm. At syempre, nagpanic nako kasi hindi ako makakapunta sa GMA para makakuha ng ticket ko dahil nga may exam ako. So dahil "desperate times call for desperate measures", tinext ko na nanay ko at tinanong kung pwede sana siyang mag-half day sa office para dumaan sa GMA at kumuha ng ticket ko.
Hindi siya nagreply sakin.Kaya naman, nagkaron ako ng bagong plano. Pagkatapos na pagkatapos ng exam ko, tatakbo ako (literal) papunta ng GMA Center at susubok na makakuha ng ticket kahit alam kong mga 4pm nako makakarating dun.
Nung andun nako sa GMA (at mga 4pm na nga nung dumating ako), SOBRANG SINWERTE AKO, kasi habang naglalakad ako dun sa may entrance ng building nila, LUMABAS SI KUYA PERRY NA MAY DALA-DALANG MGA TICKET :) Oh diba, super SAKTO ng timing ng pagdating. Pero siyempre, hindi lang naman ako ang nagbaka-sakali, meron ding mga taong nauna na sa'kin dun na naghihintay. Pumila kami ng mabilisan at nabigyan kami ng ticket (Upper Box B). Medyo nalungkot ako kasi isang ticket lang at nataon pang Upper Box B pa ang napunta sa'kin (FYI: Medyo malayo na yun sa stage). Pero masaya narin ako kasi, una sa lahat, hindi ko nga inaasahang makakakuha pa'ko ng ticket, kaya okay narin yun.
Umuwi ako. Tuwang-tuwa ako sa bus ride ko pauwi, kasi, kahit alam kong magisa lang ako manonood, atleast makakanood pako :)
Paguwi ko, lakas loob kong pinagmamalaki sa mga kapatid ko na nakakuha ako ng ticket. Syempre, wala naman sila paki at hindi nila gets kung gano kaBig deal sa'kin yung nangyaring yun.
Nakalimutan ko nang tinext ko ang nanay ko ng araw na yun, kaya naman nung nakauwi na siya, hindi ko na siya tinanong kung nakakuha siya o hindi. Inassume ko nalang na hindi talaga siya nakakuha ng ticket.
PERO.Bigla nalang siyang naglabaS ng LIMANG UPPER BOX A TICKETS!!! Grabe! Pumunta pala siya sa GMA ng mga 1pm, tas tinawagan niya yung kaibigan niyang si Madel (na sa GMA nagtatrabaho) at nang ganun-ganun lang, nakakuha siya ng LIMANG TICKET na hindi pumipila-pila pa!!! OHDIBAAAAAAAAAAAA. SAN KA PA! Yan ang magic ng nanay ko. AHAHAHAHA.
Edi ang saya ko. Kaya naman dali-dali kong inimbita yung mga kaibigan ko (kala mo and dami, pero tatlo lang tinawagan at tinext ko). Yung tatlong babae na kinausap ay yung mga kaibigan ko na alam kong susuportahan ako sa pagkaRegine fan ko. Salamat Js, Jn at Gnle.
Pero sa huli ay si Gnle ang pwede. Fail sila Js at Jn :|
ALL IN ALL. Meron akong ANIM na ticket at kaming dalawa lang ni Gnle yung nanood. Gusto ko sanang ibenta dun sa venue mismo, pero tinamad at nahiya ako.
11.30AM palang asa venue na kami ni Gnle. NagDQ kami, Coffee Bean, nagusap, nanood ng MMK, nagusap pa ulit, pumila, bumili ng Mcdo, hindi nagtake ng pics (fail), nakipagunahan slight sa mga tao, nagpakamatalino at nakakuha ng okay na seats :)
Upper Box A kami sa may left side facing the stage. Pagdating namin dun, nagrerehearse pa sila :) 7pm kami pinapasok, btw.

Si Jaya at Glaiza yung nakasalang sa stage. Nakarollers pa nga si Jaya eh. At napansin kong may boses nga talaga si Glaiza at sobrang ganda niya in person :) Crush ko na siya, hehe. Nirerehearse nila yung "New York Medley" nila. Basta yun. Maganda naman.

Ang ganda pala nung stage ng PP. Hindi mo kita sa TV yung pagkaganda nung stage nila eh. Gusto ko rin yung ligthing nila. Pero panget talaga sa TV yung itsura nung lighting, maganda kung andun ka live :)

Diba ang ganda? :)

Madami-dami namang tao yung pumunta. Actually, hindi nila napuno agad yung Lower Box A/B at yung Upper Box A/B. Hindi nagdagsa yung mga, yun ibig ko sabihin. Pero nung magsisimula na sila, yung mga tao sa GenAd DUMAMI NG GRABE. AS IN. Medyo nagrebelde pa nga yung mga tao sa GenAd eh.. Sabi nila, "Bababa kami, bababa kami, bababa kami!" Oo, grabe. Tas nung pinayagan sila na bumaba, HALA, nagsitalunan mula sa GenAd papuntang Lower Box!!! Parang stampede na ewan!

Okay naman yung mga production. Sabi ko nga kay Istatowin, mas pinagisipan nila yung mga segments nila this time. Pwera lang dun sa iba katulad nung number ni Jolina. Ayan, kita niyo yung upuan niyang makaOut-of-space ang dating. Yan yung props niya nung kinakanta niya ang Russian Rhoulette ni Rihanna. Medyo trying hard pero DAMN, ANG SEXY NUNG SUOT NIYA!!! Hindi halata pero pag nandun ka, shet, backless yan, pare! Ang HOT.

Isa pa sa mga medyo awkward numbers nila ay etong segment ng "Glam girls" nung kinanta nila ang Rude Boy. Ewan. Tignan niyo nalang. Ahahaha.

Pero wala nakong pakialam sa kanilang lahat. MASAYA lang ako at nakita ko na naman live si Regine. Ang ganda nung damit niya! SUPER. SIMPLENG MAGANDA BA. Sabi nga ni Gnle, "and it's just cloth!" Totoo. Eto yung suot niya nung kinanta niya yung Walang Iba at nung nagAwarding na sila sa winners ng Diva songwriting contest.

Medyo pagod na nga siya nung gabing yun eh. Ayan nga oh, umupo na siya dun sa stair :) Sabi niya, "Hello. Pagod na kayo? (Audience: Hindi!) Buti pa kayo, kami pagod na eh. Bakit? Bakit pa kayo hindi pagod? Kumain na kayo? (Audience: Hindi pa!) Kami rin, nagugutom na nga ako eh." Ahahaha. Pagod naaaa siyaaaaaaa. Pero ang cute cute parin niya :))


I love taking her candid shots. KAHIT SUPER LAYO KO :)) OKAY LANG.


Eto pala yung pictures nung sinubukan kong gamitin yung binoculars ko :))

Eto yung napansin namin ni Gnle sa Nung intro pala nung Party Pilipinas, sobra kung sumayaw si Regine :)) Ang cute cute niya! Navideo ko yun! Wahahahaha! She was very pretty in black daaaaaamn. At habang kinakanta ng buong PP cast yung PP theme, nagaadlib lang siya ng mga kung ano-anong birit na sa tingin ko ay nirecord na nila ngayon para permanently nang may birit effects ni Regine and PP theme :) So proud am I!
ANAWANGINDumating kami sa Anawangin, gabi na ng March31. As in mga 8pm na nun ng gabi. Di namin nakita yung beauty ng Anawangin na nagWelcome samin nung dumating kami. Nagbangka lang kami papunta dun sa isla. At syempre, dahil gabi na, nahirapan kaming makahanap ng magandang pwesto. Kaya naman, pumwesto nalang kami dun sa may puno. Ahahaha. Para may sabitan kami ng hammock. Kung saan ay tinulugan ko ng gabing yun. Wala kaming kaligo-ligo nung natulog kami, dipa nga kami nagpalit ng damit eh.
Wala kasing matinong pinagkukuhanan ng tubig at kuryente sa isla na yun. Kaya naman, yung pinanliligo namin na pangbanlaw pagkatapos lumangoy-langoy dun sa dagat ay "diluted sea water" lang. Diluted sea water = tubig dagat na dinagdagan ng tubig lawa. Wahahahaha. So parang in essence, di parin kami ever nakakaligo ng matino habang andun kami sa Anawangin. Yung tubig lawa ay nanggagaling naman dun sa lawa na andun din. Oo, so may dagat sa kaliwa mo, pag tumingin ka sa kanan mo, andun naman yung lawa. Pwede mo rin yung languyan, kaso medyo maputik.
UBER ganda talaga sa Anawangin. Kesyo walang kuryente, kesyo mainit, kesyo walang matinong pinagkukuhanang matinong tubig, talbog lahat yun ng kagandahan ng view at malinis na dagat. Malinis SOBRA yung dagat! SOBRANG KLARO at ang ganda ng kulay... asul talaga.
May parang bundok din pala dun sa gilid na pwede mong akyatin kung gusto mong magAdventure. Ang ganda nung gubat dun sa may lawa, parang yung mga gubat-gubat na nakikita ko sa National Geographic/Discovery Channel. Oo, ganun kaganda.
Nag-snorkel din pala kami. Magaganda yung mga isang makikita mo, parang asa Calatagan ka rin pero mas madami lang yung variety ng mga isda.
Kakauwi lang namin sa bahay kahapon actually. Pero nung April 3 pa kami nakarating ng Manila. Kasi naman, nanggaling pa kami sa Midnight vigil sa MTQ. Oh yes. 12midnight ng April 4 hanggang 6am ng parehong araw. Galing biyahe pauwi ng April3 diretso kami agad sa may Xavier para sa Vigil. Talk about haggard and STRUGGLE TO STAY AWAKE. Haaaaaaaay.
But anyways. Sa gitna ng kagandahan ng Anawangin, may isang bagay pala na nangyari na SOBRANG KINALUNGKOT KO.
Nung April 1, 2010, eksaktong 9:23am
NASIRA ANG AKING DAKILANG RELO :'(Nung lumangoy ako, napansin ko lang na parang may tubig na sa loob nung screen. NAGULAT talaga ako. APAT na taon na kasi sa'kin yung relo na yan at water-proof siya kaya may kumpiyansa akong magswimming na suot yun. Pero nasira nga siya... at 9:23am yung huli kong nakitang oras dun sa relo :'(
ANG PATHETIC KO NA, pero suot ko parin yung relo ngayon. Oo, kahit sira siya. Hindi ko parin to huhubarin kung wala pang bago na parang katulad niya.
RIP GREEN DIGITAL TIMEX WATCH :'(===Pasingit lang :)
Regine news no.1:A fellow Reginian said:
Siya nga yung sinabi ni Kris sa SNN... Nung time nung Ondoy and yung Kaya Natin Ito soundtrack.
Something like:
"Sa sobrang laki ng naitulong nya, if she could only allow me to mention her name, na kung pwede pang tumulong, tutulong talaga.."Regine news no.2:THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon)
Updated April 01, 2010 12:00AM
"Masaya si Regine Velasquez, ecstatic. Sino ba naman ang hindi eh nalaman niya na
nangunguna sa kanyang slot ang Diva. Ito ay sa kabila ng maraming pamimintas na tinatanggap na kesyo nagpapa-cute siya at hindi na bagay sa kanyang edad. At napaka-pangit naman daw ng kanyang character, maski raw sa totoong buhay ay mahihiya ang nanay ng ganun kapangit na ipagmayabang siya, gaano man kaganda ang kanyang boses. What they fail to notice ay ang
feel good na istorya nito, ang
magandang chemistry ng cast at ang mga
magagandang kanta na si Regine mismo ang pumipili. Bagaman at matagal nang ginagawa ito sa foreign film, ngayon lang nag-attempt na gumawa ng musical sa isang local show. Totoo ang sabi ni Regine, matrabaho ito, at demanding sa cast dahil aarte ka na kakanta ka pa."