Oh yes.
Dalawang reunion ang pinuntahan ko ngayong araw na to.
Una na diyan ang reunion ko with my dear Experts (College review center) classmates :) Sobrang namiss ko sila.
Kahit hindi lahat nakapunta, nakasama ko naman sila...
ViEnn my labs, Libertad my labs

at Richard my labs

Fail pic to. FAIL HAIR MOMENT.Nagkita-kita kami sa Trinoma. At alam niyo bang pinaghintay nila ako ng higit sa isang oras (1-2.30pm) dun sa may Food Choices? Pero sige na nga, okay lang. Mahal ko naman sila.
Seryoso.
At nung nagkita na kaming tatlo (late si Richard. di nga namin alam na pupunta pala yun eh. ahaha.) nagsimula na ang aming adventuuuuuuuure.
Super hindi planado 'tong alis na 'to pero thankfully, natuloy naman siya. :) Ang spontaneous nga namin eh. At ako yung super lugi kasi HELLO, galing akong Rizal tas dadayuhin ko pa ang Trinoma para lang makasama ang mga taong 'to? Grabe, ang sweet ko noh? Ahahaha.
Ayun nga. Kumain muna kami sa Mexicalli. At nagkwento na ng bonnga si Libertad tungkol sa kanyang latest....
issue. :)) It involves a certain
Rrrrrr. Yang Rrrrrr na yan ay ubod ng CUTE >.< Pati nga ako kinikilig eh :)) Swear. Para siyang si Ivan. Alam mo yung cute na responsable na gentleman na hindi maingay na minsan presko pero pwede na. Haaay. Ideal boyfriend. Pero siyempre, hindi nila ako ideal girlfriend. So...... Wala lang. Sharing :))
At nung finally nga humabol na si Richard (na medyo cranky because he was hungry, he's cranky when hungy,
CRANKY WHEN HUNGRY. rhyming, ang saya. :)) ahaha!) kumpleto na ang grupo! :)
Ang DAMI naming funny moments nung asa Mexicalli kami :)) Andyan ang aking mga pausong hand signs. Talo ko si Angelina sa kanyang mga "
Whatever
Yaya,
Major
Loser!"
Pauso Number One:
Nagjoke ata si Viann at sobrang nacornyhan ako.
At sabi ko... "Corny"!
At ito ang lumabas.

Oo, malabo :))
Natutuwa ako sa mukha kong parang nagpapanic
kasi super fail nung hand sign :))
Baka yan na ang bagong sign for SUPER CORNY, DOUBLED UP!
Pauso Number Two:
At nang inaasar naman ako nila Libertad ang nasabi ko nalang ay....
"Whatever"!

Pero siyempre, hindi yun ang lumabas.
Nagkulang ako kaya VHATEVER lang!
Vhatever is the new in thing right now my homies!Grabe, naloloka nalang kami nun sa kakatawa. Salit-salitan kami ng kantayawan sa isa't isa. At sa kahit alam naman naming totoo yung mga pangaasar namin sa isa't isa ay tumatawa nalang kami. Awww.
Super friends na tayo? :'>So pagkatapos naming magpakababoy sa Mexicalli ay pumunta naman kaming Astrovision, kasi wala lang. Gusto ko lang. At dun na! Dun na nagmoment sila Richard at Libertad. Ayii. Kaya naman kami ni Viann ay nagpakapasaway at iniwan namin sila dun :) Pumunta kaming Team Manila. Pero siyempre, hinanap kami nila Libertad maya-maya at ayun, kami'y nagkita-kita muli sa
RED
MANGO - ang pinakapaborito kong Yogurt shop! >.<
Inorder ko ang aking usual. Pero nalungkot ako (medyo) kasi wala silang Mochi balls :'( Pero okay lang. Mahal ko parin ang
RED
MANGO.
Habang kumakain ng masarap na yogurt ay nagpakaloka na kami sa Red Mango.
Una na diyan ang aking pagiging emo.

SHET. OO, ALAM KO. NAKAKATAKOT.
Medyo natagalan ako bago ko nakuha ang facial expression na yan.
Tawa kasi kami ng tawa. Amp. ANG PANGET :))
Tignan niyo yung comment ni Vi sa
pic na 'to nung inupload na sa Fbook.

Ang sakit ah! :))
Pero natawa ako.
At alam niyo ba...
Nagulat kami nung nakita namin ang picture na to.

Bakit?
Tignan niyo yung bata sa likod.
Parang nagpapanic, na nagugulat, na naguguluhan siya :))Pangalawa ang pagbe-braid sa'kin ni Viann :)

TADAH!
Pangatlo ang aking muntik nang pagiyak.

Kung bakit ako naluha ay samin-samin nalang muna yun :)Pagkatapos naming manggulo sa Red Mango ay nagpalibot-libot na lang kami sa Trinoma. Nagwindow shoppong kami, figuratively at literally. Ahahaha! Kung saan-saang shop kami napadpad. Ang dami nga pala talagang shop at kung anong mga abubot sa Trinoma! >.<
Sa Toys 'R' Us naman ay may binili akong mga mini ballers (5 sila) ng Dora the Explorer (p40). Ang cute cute kasi. Sayang walang picture pero okay lang. Binigyan ko ng tig-isa si Libertad at si Viann. Super friends kami :))
Pagkatapos ay naghiwalay na kaming 4 :)
Mga 8.00pm narin yun.
SALAMAT VI AT TEE! Ako naman si Bee :)

Kiiiiiiiiiiiiisssss! :>

It was a great day. Alam kong mauulit 'to.
Next week? :) On the sixth?
Wala lang. Cute ako dito.

PERO HINDI PA DUN NATATAPOS ANG MGA REUNION KO.
===Pagkatapos kong mag-goodbye-goodbye kela Richard, Tee at Vi ay pinuntahan ko naman ang aking nanay sa
Gerry's
Grill. May reunion dinner kasi siya kasama ang kanyang mga HS friends :) Birthday kasi kahapon ni Tita Mida at manlilibre siya. Ang mga andun ay sila... Tita Ana Marie, Tita Zorayda, Tito Dong, Tito Rey at Tita Someone.
Nakakatuwa sila ng BONGGANG-BONGGA. Ang kulit nilang magkwentuhan at kita mo talagang komportable sila sa isa't isa.
Napaisip tuloy ako kung ano nang magiging lagay ng bawat isa sa aking mga kaibigan kung magkaroon man kami ng ganitong reunion 10 o 15 taon mula ngayon.
Posible bang may...
Nabiyuda na?
Nabuntis at iniwan?
Bathered wife?
Sobrang yaman na parang dumi lang ang pera niya sa bahay?
Naging madre?
Naging celebrity?
Ewan ko lang. Pero naeexcite ako kasi hindi mo talaga alam kung anong pwedeng mangyari sa'yo ng ganung katagal. Hindi ibig sabihin na ang pinakamatalino ang yayaman. At lalong hindi ibig sabihin na ang bobo ang malulugmok na lamang sa lupa habang buhay.
Hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa buhay natin. At yun ay nakita ko sa mini reunion ng nanay ko at ng kanyang mga HS friends.
Astig lang. At nakakatakot at the same time.
Nga pala, tuwang-tuwa silang lahat sa kagandahan at kababawan daw ng
Facebook.
Speaking of Fbook.
===May 2 bagay akong napansin sa Fbook.
1. Nauuso na ang katagang "Super like". Lalo na kapag sobrang nagustuhan mo nga naman ang isang bagay sa page or status ng kaibigan mo at sa tingin mo ay hindi sapat na i-click mo lang yung "like" button. Kelangang magcomment ka talaga at sabihin mong "Super like!"
2. Kapag asa Fbook ako, parang sa tingin ko, less personal na lahat ng bagay. Kasi tignan mo... Kung birthday ng isang tao, hindi mo yun maalala dahil sa alam mo lang talaga yung birthday niya. Unless BEST FRIENDS TO THE HIGHEST LEVEL KAYO at alam mo lang talaga na birthday niya ng araw na yun.
Madalas ay makikita mo lang sa gilid ng iyong page na birthday niya ng araw na yun. At pagkatapos anong gagawin mo? Hindi mo naman kukunin ang cellphone mo at gagawa ka ng makabagbagdamdaming birthday message at itetxt mo siya.
Ang gagawin mo ay pupunta ka sa wall niya at magpopost ng simpleng "Happy Birthday
__(insert name here)__. Kung gusto mo ay magpapadala ka pa ng isang virtual gift.
Wala lang. Nalulungkot lang ako na dahil sa sobrang accesibility ng Fbook, lahat ng bagay ay pwede mo nang gawin dun. At sa huli'y nagiging mababaw at madali na lang lahat ng bagay.
Naisip ko tuloy, siguro ang sweet nung mga sulat ng mga tao sa isa't isa noong asa panahon at uso pa ang mga snail mail.
===FUNNY ARTICLE LANG :)
Journal, Dec. 30, 2009
Bawal sa Annulment Nina Ogie at Michelle na Magka-baby Kami — Regine
ni Nitz Miralles
Nang makausap namin, game na game na sinagot ni Regine ang tanong kung bakit wala pa silang baby ni Ogie Alcasid at kung pabor siyang magkaanak nang hindi pa kasal.
"Bawal sa annulment nina Ogie at Michelle van Eimeren na magka-baby kami ni Ogie. We're waiting na matapos na ang annulment proceedings. But I keep saying I'm ready at kung dumating sa amin ang gift, bakit namin tatanggihan?"
"Hindi naman sa we don't want a baby,
'di naman kami nagse-s_x ni Ogie,
nag-uusap lang naman kami,"
pahayag ni Regine na sinundan ng tawa.-WALA LANG. Sobrang natawa ako na sinensor pa nung author yung "sex" :))
Nakakatawa talaga sumagot si Regine! Ahahaha. Naguusap lang daw sila ni Ogie.
Amp. Naalala ko tuloy yung sabi niya sa isang spiel niya sa isang mall tour. Sabi niya.. "
Kayo naman. Wala kaming ginagawa ni Junjun, naguusap lang kami. Naguusap lang kami ni Junjun". FUUUNNNY STUUUFF >.<